Reminder from the BSP: Beware of Love Scams #BSPSecuriTips
on January 9, 2025
#BSPSecuriTips: Love chats na nauuwi sa pangungutang o panghihingi ng pera at account details? Baka love scam ‘yan!
Paalala ng BSP: Maging alerto sa iba’t ibang uri ng panloloko! Makipag-ugnayan sa official channels ng inyong bangko o e-money issuer kung nakumpromiso ang inyong account o personal na impormasyon.
Narito ang directory ng mga consumer assistance channel ng mga bangko at e-money issuer na supervised ng BSP: https://www.bsp.gov.ph/SitePages/InclusiveFinance/ConsumerAffairsDir.aspx
Kung hindi nabigyan ng sapat na aksyon ng bangko o e-money issuer ang inyong hinaing, ipagbigay-alam agad ito sa BSP sa pamamagitan ng BSP Online Buddy o BOB. Makakausap si BOB sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- I-click ang BOB icon sa BSP website (www.bsp.gov.ph)
- Mag-chat sa Facebook Messenger ng BSP (https://www.m.me/BangkoSentralngPilipinas/)
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa BSP Consumer Assistance Mechanism, bisitahin ang: https://bit.ly/BSPCAM Protektahan ang sarili mula sa scams at iba pang uri ng panloloko! Gawin ang #CPR – #CheckProtectReport 👍🏼